-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa ₱651 milyon ang naipamahaging fuel subsidy para sa mga public utility vehicle sa buong bansa, ayon sa LTFRB, bilang bahagi ng agarang ayuda ng pamahalaan sa gitna ng krisis sa enerhiya.

Isinagawa ang distribusyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang nagpapatuloy ang beripikasyon ng mga benepisyaryo upang mapabilis ang proseso.

Pinakamalaking bahagi ng pondo ang napunta sa National Capital Region, sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.

Kinilala rin ang ilang hamon sa implementasyon, partikular sa Metro Manila, na gagamiting gabay upang mapabuti ang susunod na distribusyon sa mga probinsya.

Aabot sa ₱2.4 bilyon ang kabuuang pondo para sa programa.

-- ADVERTISEMENT --