Pinalalakas ng panukalang pambansang badyet para sa 2026 ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa upang matugunan ang kakulangan sa pasilidad ng basic education. Nakalaan ang ₱85 bilyon para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng classrooms, kung saan ₱65.9 bilyon ang ilalaan sa mga gusali mula kindergarten hanggang sekondarya, kabilang ang technical-vocational laboratories.
Layunin ng panukala na bigyan ng mas malawak na opsyon ang Department of Education sa pagpapatupad ng mga proyekto, kabilang ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor, DPWH, lokal na pamahalaan, civil society groups at Armed Forces of the Philippines Corps of Engineers para sa sabayang konstruksyon sa iba’t ibang lugar.
Target ng DepEd ang pagtatayo ng humigit-kumulang 165,000 silid-aralan upang matugunan ang backlog at masuportahan ang patuloy na pagdami ng mga mag-aaral.













