Isinailalim sa mandatory drug testing ang nasa 110 na hepe ng pulisya sa buong Western Visayas na isinagawa ng forensic regional unit na ginanap sa Police Regional Office 6 Multi-Purpose Hall, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMaj. Lailyn Sencil, tagapagsalita ng PRO 6, ang nasabing hakbang ay alinsunod sa priority agenda ni Philippine National Police Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sa pagpapalakas ng integrity monitoring at ang patuloy na commitment sa internal cleansing.
Buwan ng Enero aniya ay nasa 1,300 PNP personnel ang isinailalim sa kaparehong aktibidad kung saan, magpapatuloy pa ito hanggang sa matapos ang first semester.
Dagdag pa ni PMaj. Sencil na dalawang beses sa loob ng isang taon ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa hanay ng kapulisan upang mapanatili ang professionalism at matiyak ang tiwala ng mamamayan sa organisasyon.













