-- ADVERTISEMENT --

Ipinatupad ng Department of Health (DOH) ang pansamantalang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng 148 mahahalagang gamot sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. Tatagal ng 60 araw ang price freeze bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang abot-kayang gamot sa gitna ng mga krisis o sakuna.

Ayon sa DOH, kabilang sa mga gamot na saklaw ng kautusan ay yaong ginagamit laban sa impeksyon, altapresyon, diabetes, at iba pang seryosong karamdaman. Alinsunod ito sa Republic Act No. 7581 o Price Act, na nagtatakda ng awtomatikong price control upang pigilan ang overpricing sa panahon ng kalamidad.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na bisitahin ang opisyal na website ng DOH sa kanilang mga impormasyon materyales upang makita ang buong listahan ng mga gamot na saklaw ng price freeze.