-- ADVERTISEMENT --

Dalawa ang nasawi at nasa 40 ang sugatan matapos madiskaril ang isang tram sa Milan, hilagang Italy.

Nangyari ang aksidente bandang alas-4 ng hapon habang bumibiyahe ang tram sa Line 9 sa Viale Vittorio Veneto at biglang kumalas sa riles bago bumangga sa isang gusali. Kabilang sa mga nasawi ang isang 60-anyos na pedestrian, habang karamihan sa mga nasugatan ay mga pasahero.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at inaalam pa ang sanhi ng insidente, kabilang ang posibilidad ng mabilis na pagliko o biglaang pagkakasakit ng drayber. Dumalo si Mayor Giuseppe Sala sa lugar at nangakong magsasagawa ng masusing imbestigasyon.