-- ADVERTISEMENT --

Mahigit 200 ina ang nakiisa sa sabayang pagpapasuso ng kanilang mga sanggol bilang bahagi ng kampanyang “One Breastfeeding Philippines: Yakap Hakab” ng Department of Health (DOH), na layong itaguyod ang eksklusibong pagpapasuso at suporta ng komunidad para sa mga ina.

Batay sa datos ng National Nutrition Survey, 5 sa bawat 10 sanggol lamang sa bansa ang eksklusibong pinapasuso sa unang anim na buwan, habang nananatiling mababa rin ang complementary feeding mula anim na buwan hanggang dalawang taon.

Bilang tugon, nanawagan ang DOH ng mas malawak na pagtutulungan upang mapalakas ang kaalaman at suporta para sa pagpapasuso. Bilang bahagi ng inisyatiba, namahagi rin ang ahensya ng breastfeeding kits na naglalaman ng cover, tumbler, at thermal bag upang tulungan ang mga ina sa patuloy na pagpapasuso ng kanilang mga anak.