Mahaharap sa kasong pag-labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang 21-anyos na lalaki matapos na mahuli sa drug buy-bust operation na isiganawa ng pinagsamang pwersa ng Lezo Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit o PDEU Aklan sa Brgy. Mina sa bayan ng Lezo.
Kinilala ang subject person na si Kurt Joerel Ocamas at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay P/Capt. Gilbert Batiles, OIC chief of police ng Lezo PNP Station, madali lamang makipagtransaksyon sa suspek kung saan naging matagumpay ang kanilang operasyon.
Narekober kay Ocamas ang isang suspected dried marijuana kapalit ng P200 pesos na buy –bust money.
Maliban dito, sa isinagawang body search sa kanya ay narekober ag karagdagang dalawang sachet ng suspected shabu.
Ipinahayag din na hindi sila tumugil sa pagmonitor at sa pag-surveillance sa suspek hanggang sa naisagawa ang pagsakote sakanya.
Sa ngayon si Ocamas ay nasa sa kustudiya na ng mga awtoridad.