-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Ipa-facilitate ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang pagbabalik ng pitong pamilya o 22 na miyembro ng tribong Badjao, kilala rin bilang mga “sea gypsies,” pabalik sa Zamboanga City.

Ang tribong Badjao ay isang katutubong populasyon na ang kultura at kabuhayan ay nakatali sa dagat, at matatagpuan sa mga baybaying-dagat ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, at ilang mga baybaying lugar ng Zamboanga City.

Ang repatriation ay isasagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamamagitan ng suporta ni Mayor Juris Sucro at ng hepe ng pulisya na si P/Lt. Col. Jerick Vargas sa ilalim ng “Oplan Ligtas Kalye” program ng LGU-Kalibo.

Ang naturang mga Badjao ay inilagay muna sa temporary shelter sa Magsaysay Park habang inaasikaso ang mga kaukulang hakbang upang matiyak ang kanilang ligtas na pagbabalik sa Zamboanga.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Sangguniang Bayan member Ronald Marte ang inisyatibang ito ay hindi lamang nagpapakita ng commitment ng bayan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga marginalized na komunidad, kundi nagpapakita rin ng dedikasyon ng mga lider nito sa pagsusulong ng inclusivity at kapakanan ng lipunan.