Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang gawing tatlong taon na lamang ang tagal ng pag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng Three-Year College Education (3CE) Act. Sa halip na apat na taon, direktang papasok ang mga estudyante sa kanilang major subjects pagpasok ng kolehiyo, habang ang General Education (GE) courses ay ituturo na sa senior high school.
Layunin ng panukala na gawing mas handa ang mga mag-aaral para sa kolehiyo, mabigyan ng mas maraming oras ang internship, at magkaroon ng advanced specialization.
Batay sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), lumabas na GE-heavy at internship-light ang mga kolehiyo sa bansa, dahilan para isulong ang repormang ito. Ayon kay Gatchalian, panahon na upang tuparin ang pangakong pinaikli ang kolehiyo matapos ang pagdaragdag ng dalawang taon sa senior high school.