-- ADVERTISEMENT --
Nagtapos ang 31 persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng Bureau of Corrections sa Correctional Institution for Women (CIW) sa pamamagitan ng educational at alternative learning programs na pinangangasiwaan ng La Salle Greenhills.
Labing-walo sa kanila ang tumanggap ng parangal para sa mataas na akademikong pagganap. Itinampok din sa okasyon ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa rehabilitasyon, pangalawang pagkakataon, at muling pag-angkop sa lipunan, kasabay ng pagkilala sa suporta ng mga institusyong nagpapatupad ng programa.













