-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Arestado at kasalukuyang nakakulong ang 35-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Malinao, gabi ng Biyernes, Hulyo 18, 2025.

Ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Aklan at Malinao Municipal Police Station nang magpositibo ang natanggap na impormasyon kaugnay sa sinasabing pagbebenta ni alyas Carl Robert ng shabu.

-- ADVERTISEMENT --

Ang suspek ay residente ng Brgy. Banaybanay, Malinao, at pansamantalang naninirahan sa Poblacion Kalibo at nagta-trabaho sa isang malaking hardware company.

Hinuli ang suspek sa nasabing lugar matapos bentahan ng shabu ang isang nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet ng suspected shabu,  at P1,500 na buy bust money.

Sa body search ay narekober sa kanyang bag ang pera, mga ID, lighter, at dalawang cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acf 2002.