-- ADVERTISEMENT --

Nilina ni Atty. Ariel Gepty, general manager ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang illegal umanong pag-tap ng power supply ng mga CCTV cameras sa bayan ng Banga.

Ayon sa report na kanyang natanggap mula sa apprehension team, aabot nga nasa 40 mga cctv ang direktang naka-tap sa secondary wires at hindi dumaan sa kilowatt hour meter ng kanilan tanggapan.

Aniya, illegal ito dahil lahat nang legal na pag-konsumo ng kuryente hy dumadaan sa kontador.

Nadiskubre umano ito nang magsagawa ng rehabilitasyon sa mga kilowatt hour meter.

Dagdag pa niya, na sa kabila na may joint pole agreement sila ng LGU Banga, sa record umano nila ay walang pormal na request to attach kung saan dito magsasagawa ng plano. At dahil wala umanong request to attach, wala din silang inissue na notice to proceed.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag paliwanag ni Atty. Gepty, ang multang 400k ay mismong nakatakdang penalysa batas kung saan sa kada illegal tapping ay may nakalaang 10k penalty, hindi umano dito nabibilang ang nakunsumong kuryente.

Sa ngayon, hinihintay nalang nila kung ano ang magiging tugon ng LGU Banga, kung maareglo ba ito dahil kung hindi maghahain sila ng kaukulang sa husgado.