KHARTOUM, Sudan — Mahigit 40 katao ang nasawi sa pag-atake ng Rapid Support Forces (RSF) sa Abu Shouk camp sa Darfur.
Kabilang sa mga biktima ang mga binaril sa kanilang bahay at sa pampublikong lugar.
Ang Abu Shouk, na tahanan ng humigit-kumulang 200,000 taong tumakas mula sa karahasan, ay matatagpuan malapit sa el-Fasher — huling malaking kuta ng hukbong sandatahan sa Darfur na ngayo’y tinutuligsa ng RSF sa dalawang taong digmaang sibil.
Ayon sa Yale Humanitarian Research Lab, may ebidensya mula sa satellite imagery at video na nagpapakitang mula sa hilaga nagmula ang pag-atake, at may mga kuha umano ng RSF na nagpapaputok sa mga sibilyan.
Itinatag ang kampo mahigit 20 taon na ang nakalilipas para sa mga mula sa komunidad ng Fur at Zaghawa na tumakas mula sa militia na pinagmulan ng RSF, na inakusahan ng genocide at ethnic cleansing.
Simula Abril 2023, libu-libong tao na ang napatay at milyon-milyon ang nawalan ng tirahan, habang lumalala ang taggutom sa Sudan.