-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang babae na kinilala kay Lorelie Gonzales, 45-anyos, at residente ng Poblacion Makato matapos barilin sa sentidong parte ng ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa sa loob ng kanilang bahay ngayong araw ng Linggo, Hulyo 6.

Ayon sa anak ng biktima na si Lovely Gonzales, bandang alas-4 ng madaling araw ng tawagan siya ng kanyang kapaitd para ipaalam ang nangyari sa kanilang ina.

Tinatantyang mga bandang alas-dose pa ng hating gabi nangyari ang nasabing pamamaril, ngunit walang nakaalam sa mga kasama sa bahay ng biktima na pinasok sila ng suspek.

Dagdag pa niya, wala siyang maisip na may motibong gawin ito sa kanilang ina dahil wala rin umano itong kaaway at lumalabas lang ng bahay kung may mag-papalaba sa kanya.

Nananawagan din siya sa responsable sa krimen na makonsensya at gusto nilang malaman kung ano ang dahilan kung bakit humantong ito sa desisyong patayin ang kanilang ina.

-- ADVERTISEMENT --