GAZA CITY — Hindi bababa sa 20 katao, kabilang ang limang mamamahayag, ang nasawi matapos tamaan ng airstrike ng Israel ang Nasser Hospital sa Khan Yunis, ayon sa Gaza civil defense.
Kinilala ng Reuters, Associated Press, at Al Jazeera ang kanilang mga kasamang nasawi at naglabas ng pahayag ng pagluluksa.
Samantala, tiniyak ng militar ng Israel na iimbestigahan ang insidente at iginiit na hindi nila sinasadyang targetin ang mga mamamahayag.
Ayon sa civil defense spokesman na si Mahmud Bassal, tinamaan ng drone at kasunod na airstrike ang isang gusali sa loob ng ospital habang ino-ospital ang mga sugatan.
Nagpahayag naman ng pagdadalamhati si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at tinawag ang insidente bilang isang “tragic mishap.”
Batay sa mga media watchdog, umabot na sa halos 200 mamamahayag ang napatay mula nang magsimula ang halos dalawang taong opensiba ng Israel sa Gaza.