-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Sa pagpasok ng school year 2025-2026, mas pang pinalakas ng Department of Education (DepEd) ang kanilang monitoring at kampanya laban sa bullying.

Sa katunayan ayon kay Hernani Escullar Jr, tagapagsalita ng DepEd region VI, nakatala ang ahensya ng 343 na kaso ng bullying sa loob ng mga pampublikong paaralan noong nakaraang school year 2024-2025.

Ang nasabing kaso aniya ay nagmula sa iba’t ibang paaralan sa buong rehiyon kung saan, nabigyan na rin kaagad ng aksyon.

Dagdag pa ni Escullar na karamihan sa mga naitala ay dahil sa aggressive behaviour ng learners pagdating sa verbal kung saan, marami aniya ang nagbibiruan na nauuwi sa pikunan.

Halos lahat ng kaso ay nalutas na rin ng mga guro sa kanilang mga magulang kung kaya’t hinihikayat nila ang mga ito na maging alerto at gabayan ang kanilang mga anak lalo na ang mga teenagers.

-- ADVERTISEMENT --

Upang maiwasan ang bullying at iba pang karahasan sa paaralan, maglalagay sila ng Learner Rights Protection Officer at i-activate ang Child Protection Committee kung saan, magbibigay sila ng kaukulang edukasyon ukol sa bullying gayundin ang pagbibigay ng counseling services, at psychosocial support gaya ng psychological first aid at guidance sessions.

Layunin ng nasabing ahensiya na mapuksa na ang kaso ng bullying sa loob ng paaralan.