-- ADVERTISEMENT --

Gaganapin pa rin sa Thailand ang ika-74 na Miss Universe sa Nobyembre 21, sa kabila ng pagkamatay ni Queen Mother Sirikit.

Si Queen Mother Sirikit ang ina ng hari ng Thailand na si King Maha Vajiralongkorn o si King Rama X.

Sa social media announcement ng executive director ng Miss Universe Organization (MUO) na si Nawat Itsaragrisil, pareho pa rin ang schedule ng mga aktibidad para sa Miss Universe pageant.

Dagdag pa na halos 50 porsiyento na ang paghahanda para sa kompetisyon, kung saan, ilang kandidata na ang dumating sa Thailand mula sa iba’t-ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

May kaunting pagbabago lamang sa mga aktibidad at format ng pageant upang ma-accomodate ang pagluluksa ng Thailand.

Ayon sa Miss Grand International Public Company Limited, ang organizer ng Miss Universe 2025, susundin nila ang guidelines ag rekomendasyon na inilatag ng pamahalaan ng Thailand.

Samantala, nagsagawa man ng send-off ceremony para sa pambato ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo.