Natukoy ng Commission on Elections (Comelec) na siyam na contractor ang posibleng nagbigay ng pinansyal na suporta sa ilang kandidato para sa 2025 midterm elections, batay sa inisyal na pagsusuri ng kanilang mga election documents.
Kasalukuyang sinusuri ng Comelec ang mga Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng 66 kandidato sa pagkasenador at 155 party-list groups. Ang listahan ng mga contractor ay isusumite sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang tiyakin kung may hawak silang kontrata sa gobyerno, at ilalabas din ito sa publiko.
Ayon sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pag-donate ng sinumang indibidwal o kompanyang may kontrata sa pamahalaan sa mga kandidatong tumatakbo sa eleksyon. Ang sinumang mapatunayang lumabag ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon.
Samantala, Inaasahang maglalabas ng desisyon ang Commission on Elections (Comelec) sa loob ng isa hanggang dalawang linggo kaugnay sa kontrobersyal na P30 milyong donasyon ng isang contractor sa kampanya ni Senador Francis “Chiz” Escudero.