Mananatiling malakas ang bagyong Crising habang papalapit sa hilagang Luzon, ayon sa PAGASA.
Signal No. 1 na sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, bahagi ng Aurora, Quirino, Kalinga, ilang bayan sa Mountain Province at Ifugao, Nueva Vizcaya, at Apayao.
Huling nakita ang bagyo 535 km silangan ng Juban, Sorsogon, bitbit ang hangin na 55 kph at bugso na 70 kph.
Asahan ang malakas na ulan at posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa Bicol, Eastern Visayas, Isabela, Aurora at Quezon. Dagdag pa ang habagat na magpapaulan sa Western Visayas, Palawan at Metro Manila!
May banta rin ng storm surge na aabot sa 1–2 metro sa baybayin ng Cagayan, Babuyan at Isabela. Delikado rin ang laot—mga bangkero, huwag muna pumalaot!
Target ni Crising na maging tropical storm ngayong araw at posibleng mag-landfall sa Cagayan sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga. Pagkatapos niyan, baka lumabas na ng PAR pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo.