Airstrike
-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng isang Pinay sa Tel Aviv, Israel na ligtas ito sa nasabing bansa kahit pa ina-atake ito ng missile ng Iran kaysa sa umuwi siya ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Bombo International News Correspondent Antonette Sombilon, kahit bagbagan pa ng missile ang isang istraktura sa Tel Aviv basta nakapasok sila sa bomb shelter ay sigurado na ang kanilang kaligtasan.

Ito ay sa gitna ng panawagan ng gobyerno ng Pilipinas na manatili sa ligtas na lugar at ang gustong umuwi sa Pilipinas ay kanila ring tutulungan.

Ayon pa kay Sombilon na base sa kanyang pagkaka-alam, ang mga na-repatriate na overseas Filipino workers ay mga undocumented kun saan tynasa na nila itong makauwi sa Pilipinas ng libre sa tulong ng gobyerno at posibleng posibleng bibigyan pa sila ng pangkabuhayan na kanilang uumpisahan sa kanilang buhay.

Dagdag pa ni Sombilon, bago ang pagsabog ng missile sa kahawaan, may alert na ipinapadala sa kanilang mga mobile phones kung saan nag-aalerto ito sa loob ng 30 minutos. Susundan ng sirena sa lugar kung saan inaasahan na babagsak ang missiles.

-- ADVERTISEMENT --

Sa loob ng 90 segundos ay dapat nanakapasok na sila sa bomb shelter para iligtas ang kanilang mga sarili.

Dagdag pa nito na sa dami ng missiles na ipinapadala sa Tel Aviv ay hindi kinakayanan ng depensa ng iron dome rason na ang iba rito ay nakakalusot at tumama sa mga edipisyo na ikinamatay ng ilang katao at nasugatan na iba kabilang ang ilang Pinoy.