Balik na sa normal ang sitwasyon sa Qatar.
Ito ang naging pahayag ng Bombo International News Correspondent sa Qatar na si Liezel Nama, matapos ang pag-atake ng Iran sa Airbase ng US sa Qatar.
Ayon dito, base sa balita, agad na naagapan ng Qatar ang pag-atake, kung saan na-intercept nila agad ang mga missiles bago paman ito bumagsak, ngunit may mga bumagsak at natamaan ng mga debris mula sa naintercept na mga missiles.
Wala rin umanong kahit anong babala sa kanila kaugnay sa nasabing pag-atake.
Tinatayang aabot sa 19 na mga missiles ang ipinadala ng Iran at doble ang naman ang bilang ng mga missile na pang-intercept para masiguro na walang makakalusot sa mga ito.
Dagdag pa niya, wala rin umanong plano ang Qatar na gumanti dahil payag ito sa ceasefire para sa ikatatahimik ng lahat.
Wala rin daw umanong dapat ikabahala dahil ligtas sila sa kanilang pinagtatrabahuhang nasyon.