Iminungkahi nga isang Aklanon overseas Filipino worker ang kanilang eskperyensya sa kasagsagan ng pag-atake ng Iran sa US air base sa bansang Qatar.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Janelyn Zombron, tubong Brgy. Guinbaliwan, New Washington, sa halos limang taon na pagta-trabaho sa Qatar at limang taon din sa Kuwait ay ngayon pa lamang niya nasugapa ang ganitong klaseng pag-lipad ng missiles kung saan nagbabanggaan ang dalawang bomba sa kalangitan at doon sumasabog ang inatake ng Iran dahil sa naintercept ito ng air defense system ng Qatar.
Sobrang takot ang kanyang naramdaman dahil sa kasama niya pa sa iisang employer ang kanyang kaptid kung saan naunahan sila ng pagpapanic dahil sa kaba at takot.
Ang mga nakikita umano sa pelikula ay nakita mismo nila sa personal kung saan hindi gugustuhing masaksihan ulit ang kaparehong scenario ng pagsabog sa kalangitan. Kumapit nalang silang magkakapatid sa pagdadasal para maging ligtas sa peligro.
Sa kabila nito, lubos ang kanilang pagpapasalamat na unti-unti nang nagiging payapa ang kanilang lugar ngayon.
Ayon pa sa kanya, ang bansang Qatar ay payapa at lubos ang kanilang paniniwala sa gobyerno na hindi sila pababayaan lalo na ang mga gustong umatake sa bansa.
Ipinaabot rin niya sa kanyang pamilya na ligtas sila sa peligro at balik na sa normal ang kanilang pang araw-araw na buhay at pagtatrabaho.
Una rito, lubos ang kaba at takot na naramdaman ng kanyang ina matapos mabalitaan na inatake ng Iran ang US air base sa bansang Qatar.