HEALTH News — Tumaas ng 59% ang kaso ng dengue sa Pilipinas mula Enero hanggang Hunyo 2025, na umabot sa 23,000, ayon sa Department of Health (DOH). Sa bilang na ito, 470 ang nasawi, habang pinakamataas ang kaso sa CALABARZON na may 19,500 infections at 62 pagkamatay.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kailangang tutukan ang mga lugar na pinangingitlugan ng lamok upang pigilan ang pagdami ng kaso. Pinag-aaralan ng DOH ang Wolbachia method, isang makabagong teknolohiya mula Indonesia, at ang paggamit ng QDenga dengue vaccine na kasalukuyang ginagamit sa mahigit 40 bansa.
Nilinaw ng DOH na limitado sa mga ospital ang paggamit ng QDenga habang hinihintay ang pagsusumite ng risk management plan ng pharmaceutical company. Ayon kay Philippine Medical Association President Dr. Hector Santos, mas ligtas ang QDenga kumpara sa Dengvaxia dahil nakabatay ito sa aktwal na dengue cases.