-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag ng isang dermatologist ang mga fungal infection na posibleng karaniwang nakukuha ng mga indibidwal sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Dr. Lourdes Bernadette Rago-Lim, ang fungal infection ay hindi isang klase ng becteria kundi ito ay isang dermatofied na tinatawag na fungus na nakakaapekto sa katawan ng isang tao.

Ipinaliwanag niya na ang balat ay may mahalagang parte sa ating katawan kung saan ito ay itinuturing na isang protective barriers na nag-poprotekta sa ating katawan mula sa mga infections, bacteria at iba pang pwedeng panggalingan ng sakit.

Dagdag pa niya na lahat ay pwedeng maapektuhan ng fungal infection ngunit depende na lamang it sa pag-respond ng katawan.

Ayon pa sakanya ang mga prone dito ay ang mga may mababang immune system katulad ng mga indibidwal na matagal nang umiinom ng mga anti-biotics, mga pasyente na may HIV/AIDS, at mga nag-uundergo ng chemotherapy.

-- ADVERTISEMENT --

Sa probinsya it Aklan, ang mga nakakaapekto na mga fungal infection ayon sa kanya ay ang Tinea infection kung saan ito ay isang broad na infection, Onychomicosys kung saan apektado ang mga kuku, at Tinea Versicolor o tinatawag din na Pityriasis na karaniwang nakikita sa dibdib, likod o mga napapawisang parte ng katawan.

Dagdag pa ni Dr. Lourdes na ang fungal infection ay nagagamot at may mga nakatakdang mga gamot para dito.

Para maiwsan umano ang mga ganitong sakit, malaking tulong ang maging malinis sa katawan, maligo araw-araw at palagiang paghuhugas ng kamay.

Bukod sa pagiging hindi malinis sa katawan na nagdudulot ng fungal infection, pwede rin itong makuha sa pamamagitan ng skin to skin contact.

Paalala niya sa mga mamamayan na wag mahiyang kuimonsulta sa mga professional para sa kaukulang paggamot ro dahil naman nang tao ay  na-eexposed dito, at mas mainam umani na magamot kaagad para maiwasan na makahawa sa iba.