-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ng desisyon ang International Criminal Court (ICC) sa loob ng isang buwan hinggil sa kanilang hiling na pansamantalang paglaya.

Ayon kay Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni Duterte, balak nilang humiling na makasagot sa pagtutol ng prosekusyon, lalo na dahil sa posibleng pagbabago sa bansang tinitirhan ng dating pangulo. Bagamat nabigo silang i-disqualify ang dalawang ICC judges na sangkot sa naunang kaso, nananatili ang kanilang tiwala sa korte.

Inamin ng kampo na nais nilang makabalik si Duterte sa Pilipinas pansamantala, ngunit tinutulan ito ng gobyerno. Tinanggihan din ni Kaufman ang ulat na tinanggihan si Duterte sa Belgium at Australia at nilinaw na may kalituhan lamang sa impormasyon. Itinanggi rin ang posibilidad na humingi si Duterte ng legal na proteksyon sa ilalim ng batas ng Netherlands habang nasa kustodiya ng ICC.