-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Nanatiling mababa sa 0.4% ang case fatality rate ng dengue sa Pilipinas, o katumbas ng 4 na namamatay sa bawat 1,000 kaso, ayon sa Department of Health (DOH). Sa kabila nito, tumaas ng 73% ang bilang ng kaso mula Enero hanggang Marso 2025 kumpara sa parehong panahon noong 2024, na umabot sa 62,313.

Pinakamataas ang naitalang kaso sa Calabarzon, National Capital Region, at Central Luzon. Bumaba naman ang fatality rate ngayong taon sa 0.35% mula 0.42% noong 2024.

Nagpaalala ang DOH na agad kumonsulta sa doktor sa unang senyales ng dengue upang maiwasan ang pagkamatay, dahil karamihan sa mga nasasawi ay hindi agad nabigyan ng tamang lunas. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng sapat na hydration para sa mga pasyente.

Samantala, tiniyak ng DOH na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth sa kabila ng isinasagawang restructuring sa ahensya.