-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Nananawagan ang Philippine Statistics Authority (PSA) Aklan sa lahat ng mamamayan na makibahagi sa isasagawang nationwide Family Income and Expenditures Survey na magsisimula sa Hulyo 8 na magtatagal sa loob ng 21 araw.

Ipinaliwanag ni PSA Aklan Senior Statistician Specialist Peter Mangilog na ang Family Income and Expenditures Survey ay isang pag-aaral sa mga pumapasok na pera sa pamilya at kung anu ang pina-gagastusan ng mga ito kabilang na dito kung saan nanggagaling ang kita ng pamilya.

Dagdag pa ni Mangilog na importante ang partisipasyon ng lahat upang makalikom ng tamang datos na makaapekto sa mga gagawing desisyon ng pamahalaan ukol sa pagpababa ng kahirapan,  distribusyon ng kita, at inflation measurement.

Ang PSA Aklan aniya ay may 55 na mga statistical data collector na mag-iikot sa mga pamamahay upang kumuha ng kaukulang impormasyon kung kaya’t hiling ng mga ito na ibigay ang tamang datos.

Sa kasalukuyan aniya ay may isinasagawang training para sa tamang i-etiquette pagdating sa pagtatanong, makiusap, at mag-kondisyon sa kanilang mga subject families.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ni Mangilog na ang pakikibahagi ng mamamayan ay direktang susuporta sa pagbuo ng mga evidence-based social policies at mga programa na makatugon sa kahirapan.