-- ADVERTISEMENT --
Nangako ang Malacañang na paiigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan upang maitaas ang antas ng ekonomiya ng bansa sa upper middle-income bracket bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Ayon sa Palasyo, nananatiling prayoridad ng administrasyon ang pag-akyat ng Pilipinas mula sa lower middle-income bracket, kung saan ito kabilang mula pa noong 1987 batay sa pinakahuling ulat ng World Bank.
Sa kasalukuyan, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may gross national income (GNI) per capita na nasa pagitan ng $1,136 at $4,495. Taunang nire-review ng World Bank ang income classification ng mga bansa tuwing Hulyo 1, na nagiging batayan sa pag-unlad at sa pagkuha ng official development assistance at concessional financing.