Bawas kita, dagdag sa pag-byahe ang naging sitwasyon ng mga drivers para mahabol ang kanilang mga loses sa kita.
Ito ang naging pahayag ni Mar Valbuena, chairman ng MANIBELA-National nang tumaas ang singilan sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa kanya, ang inaasagang fuel subsidy sa nagyon ay hindi pa naipapatupad dahil hindi pa umanod umaabot sa $80 per barrel ang presyuhan ng langis. Sa ngayon umano ay nasa $80 per barrel palang ang presyuhan ng langis, ngunit ipinahayag din niya nga noong nakaraang buwan ng Enero hanggang Pebrero ay tumaas ang presyo ng per barrel ngunit walang ibinigay na fuel subsidy ang gobyerno na sa ngayon ay nagkakahalaga ng P670 milyon pesos, kaya itinuturign nilang may utang pa sa kanila ang gobyerno.
Dagdag pa niya, mula Enero hanggang sa ngayon ay halos P18 pesos ang itinaas ng mga produktong petrolyo at ang nabawas lamang ay P2 pesos, kaya kung magbibigay nga probational increase na P1 peso sa pamasahe ay malaking tulong na umano ito.
Ipinaliwanag din umano sa kanila ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na pinag-aaralan na nila at hinihintay nalang din ang pag-apruba ng NEDA at iba pang organisasyon na konektado sa nasabing hakbang.
Ipinahayag din niya na kung titignan nial ay tila sinamantalang ng mga oil companies ang pagpapataas ng presyo at ginawa nalang na rason ang kaguluhan sa Gitnang Silangan dahil alam din umano ng lahat na may mga buffer stock ang mga ito.
Paliwanag din ni Valbuena na dapat otomatikong suspindido ang exise tax kung aabot sa $80 per barrel ang presyo ng langis at VAT nalang ang matitira, ngunit kahit umabot pa umano ng $90 per barrel ay wala paring suspension na ipinapatupad para makakuha ang pamahalaan.