Ligtas at nasa maayos na kondisyon ang lahat ng 82 pasahero at 18 crew members na sakay ng MV Peñafrancia VI, at ang 16 crew members ng FV Sr Fernando matapos ang nangyaring banggaan sa Port of Lucena sa Quezon, umaga ng Huwebes, Hulyo 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isinagawang imbestigasyon ng PCG, dakong alas-7 ng umaga, bumangga ang passenger vessel MV Peñafrancia VI na patungo sa Marinduque, sa Fishing Vessel Sr. Fernando 2 na malapit sa Lucena breakwater.
Matapos ang banggaan, inatasan ang MV Peñafrancia na bumalik sa Port of Talao-Talao, Lucena City para sa imbestigasyon at inspeksyon.
Ang mga pasahero naman ay inilipat sa MV Peñafrancia IX para sa medical checkup at cargo assessment.
Nagtamo ng pinsala ang passenger vessel sa starboard bow at ramp nito, habang bow naman ang nasira sa FV Sr Fernando 2.
Wala namang banta sa oil spill o below-waterline damage ang nangyaring insidente.