HEALTH News — Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagdagdag ng 19 maintenance at lifesaving medicines sa listahan ng mga produktong hindi na papatawan ng value-added tax (VAT).
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang siyam na gamot ay saklaw ng Revenue Memorandum Circular (RMC) 59-2025 na inilabas noong Hunyo 11, habang ang sampu pa ay kabilang sa RMC 62-2025, batay sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
Kabilang sa mga gamot ang para sa cancer, diabetes, hypertension, mental illness, high cholesterol, kidney disease, at tuberculosis.
Ang hakbang ay alinsunod sa CREATE at TRAIN laws na nagbibigay VAT exemption sa piling produktong pangkalusugan. Nakikipagtulungan ang BIR sa FDA at Department of Trade and Industry (DTI) upang tiyakin ang tamang pagpapatupad sa mga botika at kompanya ng gamot.