Nanindigan si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na biktima aniya siya ng panggigipit dahil sa pulitika kasama ang ilang kaalyado ng dating Duterte administration kung kaya’t may karapatan aniya itong humiling ng asylum partikular sa pamahalaan ng Netherlands kung saan siya kasalukuyang nananatili at nakikipaghalubilo sa mga overseas Filipinos.
Aniya, wala na siyang asahan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa bulok nitong pamumuno sa bansa kung kaya’t nararapat na lamang daw na ibigay ang gobyerno kay Vice President Sara Duterte.
Dagdag pa ni Atty. Roque na uuwi ito sa Pilipinas sa takdang panahon dahil ito lamang aniya ang kaniyang nag-iisang bansa.
Nagpapatuloy umano ang pagpoproseso sa kaniyang apela na asylum.
Binigyang diin ng nasabing abogado na maraming pagkakataon na maaari siyang mag-iba ng nasyonalidad ngunit umuuwi pa rin ito sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Atty. Roque na pinupulbos ng administrasyong Marcos Jr. ang mga Duterte at mga kaalyado nito kung kaya’t may karapatan ito na humingi ng asylum. Panawagan niya kay Pangulong Marcos Jr. at sa mga kaalyado nito na linisin ang kanilang pangalan at baguhin ang kasaysayan ngunit tatlong taon na aniya ang nakakaraan ay hindi pa rin ito nangyayari kung kaya’t mas mabuti na lamang na ibigay ang gobyerno sa bise presidente.