-- ADVERTISEMENT --

Mariing kinondena ng mga lider ng BRICS ang mga walang pinipiling taripa ni US President Donald Trump at ang mga Israeli-US airstrike sa Iran, sa kanilang summit sa Brazil.

Ayon sa joint statement, nagbabala ang bloc laban sa unilateral trade measures na maaaring makasira sa pandaigdigang ekonomiya.

Nagpahayag din sila ng suporta sa Iran, kaugnay sa serye ng pag-atake sa mga nuclear at iba pang target.

Bagaman umiiwas sa tahasang pagbanggit kay Trump, nanawagan ang grupo para sa patas na kalakalan at kapayapaan sa Gitnang Silangan.

Kapansin-pansin ang pagliban nina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa pulong kung saan, nagpadala na lamang si Putin ng mensahe via video link.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat din ng summit ang regulasyon sa artificial intelligence (AI) upang hindi lamang mayayamang bansa ang makinabang dito.