-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaaring pumutok ang Bulkang Taal anumang oras matapos makapagtala ng pagtaas sa seismic energy at tuloy-tuloy na volcanic tremors nitong weekend.

Ayon sa Phivolcs, ang biglang pagtaas ng real-time seismic amplitude measurements (RSAM) at kawalan ng degassing mula sa main crater ay maaaring senyales ng pagbabara sa daanan ng volcanic gas.

Ito ay posibleng magdulot ng phreatic o phreatomagmatic eruption.

Nananatili sa alert level 1 ang Taal, at pinaalalahanan ang mga lokal na pamahalaan na maghanda laban sa posibleng pagtaas ng sulfur dioxide at mga panganib sa kalusugan.