-- ADVERTISEMENT --
Posibleng ibasura ni Securities and Exchange Commission (SEC) chairperson Francis Lim ang panukalang pagtaas ng bayarin at iba pang fees na inihain pa noong 2023.
Ayon kay Lim, layunin niyang bawasan ang transaction costs sa ahensya.
Kamakailan lamang ay binawasan na ng SEC ng 50% ang reproduction fees para sa mga dokumento gaya ng articles of incorporation at by-laws.
Tinanggihan na rin noon ng mga business group ang fee hike, at nanawagan ng regulatory impact assessment mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Bagaman naaprubahan na ng ARTA ang panukala, nais ni Lim na ituon ang atensyon sa pagpapagaan ng proseso at pagbawas ng gastos, lalo na para sa maliliit na negosyo.
-- ADVERTISEMENT --