-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Bangkay na nang matagpuan sa ilog ang isang 10-anyos na batang babae halos ilang oras matapos siyang malunod sa Aklan river na sakop ng Purok 5, Brgy. Tinigaw, Kalibo, umaga ng Miyerkules, Hulyo 9, 2025.

Narekober ang bangkay kasunod ng isinagawang search and rescue operation ng PDRRMO Aklan, MDRRMO Kalibo, Kalibo MPS, BFP-Kalibo at iba pang mga residente na tumulong sa paghahanap.

Sinabing natagpuan ang Grade 5 learner malapit sa lugar kung saan siya itinuro ng kanyang nakababatang kapatid at isa pang kalaro na nahulog.   

Naghuhugas lamang umano ang bata ng kanyang kamay sa tabing ilog matapos masugatan, ngunit aksidente itong nahulog at hindi na naka-ahon.

-- ADVERTISEMENT --

Huli na nang nagsumbong ang mga bata na nahulog ang biktima.

Dito na nagpatulong mga residente  sa mga awtoridad para hanapin siya, ngunit lumipas pa ang ilang oras bago ito nakita.

Isinugod ang bata sa Aklan Provincial Hospital,  subalit patay na nang makarating.