-- ADVERTISEMENT --
KALIBO, Aklan—Upang magkaroon ng transparency, dapat na matuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Harry Sucgang, political analyst sa Aklan, layon ng trial na magkaroon ng demokratikong proseso at malahad ang mga ebidensya.
Sa pamamagitan aniya ng impeachment proceedings ay malalaman kung may katotohanan ang mga inaakusa laban sa kaniya.
Mahalaga rin aniya na maging bukas sa mga ebidensya at sa transparency na kaniya ring isinusulong.
Ngunit ayon kay Atty. Sucgang na problema sa ilang mga senador na tatayo bilang huwes sa impeachment trial na nagpapakita ng kanilang suporta sa bise presidente sa pamamagitan ng paghain ng motion to dismiss.
-- ADVERTISEMENT --