RUIDOSO, NEW MEXICO — Tatlong katao ang nasawi sa biglaang pagbaha sa bayan ng Ruidoso matapos ang malakas na pag-ulan nitong Martes.
Ang baha ay dulot ng monsoon rains na nagpasobra sa antas ng tubig ng ilog Rio Ruidoso hanggang 20 talampakan, limang talampakan na mas mataas sa dating rekord.
Ayon kay Mayor Lynn Crawford, ikinalungkot nito ang nangyari at nagpahayag siya ng pakikiramay at panawagan ng pagkakaisa sa gitna ng trahedya.
Patuloy ang search and rescue operations, kung saan mahigit sa 85 na water rescues na ang naisagawa, kabilang ang mga na-trap sa bahay at sasakyan.
Ayon sa New Mexico Department of Homeland Security, hindi pa tiyak kung may tao sa bahay na inanod ng baha sa isang video kung saan, pinalala pa ng burn scars mula sa mga wildfire noong nakaraang taon ang pagbaha.
Nagbukas ang lungsod ng pansamantalang evacuation center para sa mga residenteng lumikas.
Ang insidente ay kasunod ng malawakang pagbaha sa Texas kamakailan na ikinamatay ng mahigit 100 katao.