-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na natagpuan na ang tatlong Filipino crew members mula sa MV Eternity C, kaya’t umabot na sa walong Filipino seafarers ang na-rescue mula sa nasabing barko.

Ang MV Eternity C, na may 22 tripulante kabilang ang 21 Pilipino, ay inatake ng mga Houthi forces malapit sa baybayin ng Yemen noong Hulyo 7, gamit ang missiles at rocket-propelled grenades. Limang Filipino seafarers ang agad na na-rescue mula sa dagat matapos lumubog ang barko.

Patuloy na inoobserbahan ng DMW ang posibleng tatlo o apat na nasawi, at ito ay makukumpirma lamang pagkatapos makausap ang mga nakaligtas. Sinabi ni Cacdac na tinutulungan ng gobyerno ang mga pamilya ng mga seafarers, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magbibigay ng mga regular na updates at pinansyal na suporta.