Posibleng ma-dismiss ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung mapapatunayan ng korte na walang hurisdiksyon sa kaso. Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, ang unang isusuri ng korte ay kung may hurisdiksyon sila sa paglilitis.
Bilang isang abogado, binigyang-diin ni Cayetano na kahit wala pang ebidensya, maaaring mabasura agad ang kaso kung wala ng hurisdiksyon ang korte. Subalit, nilinaw ng senador na kailangan pag-aralan nang mabuti ang isyu bago magdesisyon.
Kung hindi agad aaksyunan ang isyu ng hurisdiksyon, sinabi ni Cayetano na maaaring umabot ang kaso sa Korte Suprema.
Sa ngayon, nakasalalay sa Kamara ang muling pag-convene ng Senate impeachment court sa 20th Congress upang ituloy ang impeachment trial. Ayon kay Senate impeachment court spokesperson Atty. Regie Tongol, kinakailangan munang magsumite ng prosekusyon ng sertipikasyon upang magpatuloy ang paglilitis.
Samantala, nagpasang prosekusyon ng unang sertipikasyon noong Hunyo 10, ngunit hindi pa nila naipasa ang pangalawang sertipikasyon na may kaugnayan sa kagustuhan ng Kamara na ituloy ang impeachment proceedings. Ang muling pagbubukas ng korte ay posibleng maganap pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 29.