-- ADVERTISEMENT --

Kailangang kuhanan ng malaking buwis ang mga mayayaman na individual sa bansa para makabayad sa utang ang Pilipinas.

Ito ang suhestyon  ni Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation matapos na lomobo ang utang ng bansa sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ikinaalarma nila ang nasabing lagay dahil sa posibilidad na paghihirapan ng ordinaryong tao ang problema para hindi bumagsak ang gobyerno.

Maliban dito, isa pa sa mga hakbang na nakikita nila ay bawasan ang serbisyo na para sa tao pag-dating sa kalusugan, imprastraktura at maraming iba pa.

Ipinahayag din ni Africa na parang nasa kumunoy tayo na hindi makatakas dahil lubog sa utang.

-- ADVERTISEMENT --

Natukoy na hanggang Mayo 2025, umabot na sa P7.2 trillion pesos ang inutang ng kasalukuyang administrasyon halos 3/4 ng siyam na trilyong piso na inutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabuuan ng kanyang anim na taong panunungkulan.