Masubra sa tunga nga bilyong kita sa bugas, ginasaligan – NFA
-- ADVERTISEMENT --

Tinututulan ng Alliance of Concerned Teachers Partylist ang pagpapatupad ng Rice tarriffication law.

Ayon kay Rep. France Castro, representante ng nasabing grupo, gusto nilang i-repeal o kanselahin ang nasabing panukalang batas dahil nang ipino-propose pa lamang ito ay nakikita na nila ang magiging epekto nito sa mga lokal na magsasaka.

Sa paghain nito sa 19th congress, karamihan sa mga lider ay gustong ibalik ang function ng National Food Authority (NFA), at isa ito sa naging special feature ng pag-amyenda ng 19th congress, na bumili ng palay at bigas sa mga magsasaka hindi lamang para sa buffer stock ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa panahon ng kalamidad kundi para makatulong sa mga magsasaka.

Dagdag pa ni Castro, na ang isinusulong ng kanilang grupo ay mas sobra pa, kung saan gusto nila na mapalakas ang lokal na produksyon ng bigas.

Umaasa ang kanilang grupo na prayoridad ng 20th congress ang kanilang isinusulong na panukalang batas na mabalik sa NFA ang kanilang function kaya malaki ang pag-asa na maisa-batas ito ngayon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ipinahayag din niya na ang pag-lobo ng utang ng Pilipinas ay hindi “healthy” sa ekonomiya dahil karamihan sa budget ng bansa ay kinukuha sa utang. Na-ipon na din umano ito galing sa mga dating administrasyon kaya walang tamang gawin kundi palakasin nalang ang lokal na ekonomiya ng bansa.