Pormal nang nag-sumite ng affidavit ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas “Totoy,” ang affidavit na nagsasangkot sa 12 pulis sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ihahain ito sa National Police Commission (Napolcom) bilang bahagi ng pormal na pagsisimula ng imbestigasyon.
Ang reklamo ay una munang sasailalim sa prosesong administratibo, ngunit posible itong humantong sa kasong kriminal depende sa resulta ng imbestigasyon, na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang buwan.
Kabilang sa mga inaakusahang pulis ay umano’y ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police. Tanging aktibong pulis lamang ang saklaw ng hurisdiksyon ng Napolcom, at maaaring masuspinde o masibak sa serbisyo ang sinumang mapatunayang guilty sa grave misconduct.