Patuloy parin ang ginagawang profiling sa mga pagala-galang na mga Badjao sa Poblacion Kalibo.
Ayon kay Hon. Neil Candelario, brgy. kapitan ng Poblacion Kalibo, sinimulan ang operation “Ligtas Kalye” noong pang nakaraang linggo kung saan hinanap at binisita nila ang kanilang tinutuluyang boarding house para paalalahanan na umalis at umuwi sa kani-kanilang lugar.
Nangako din naman ang mga ito na uuwi na, ngunit hanggang kahapon ay bumalik parin sila sa pag-gagala sa kaya’t minabuti ng Task Force Ligtas Kalye kasama ang MSWDO at Kalibo PNP na mag-organisa ng hiwalay na grupo para mag libot at imbitahan at ma-rescue ang mga ito.
Nang mapasakay na sa Patrol Mobile, dinala sila sa kanilang paninbagong tintirahan kung saan pinakuha ang mga kanilang mga gamit para masigurong hindi na sila babalik pa.
Minabuti din ng ahensya na hanapan muna ng pansamantalang matitirahan ang mga ito habang inaalam ang kanilang mga lugar at gagawan ng paraan kung paano maiuwi sa kanilang mga pinanggalingan.
Nakarescue ang grupo ng pitong pamilya o tinatayang 22 indibidwal kahapon lamang na araw ng Martes.