Iginiit ni Senador Raffy Tulfo na hindi dapat ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte hangga’t hindi pa nasisimulan ang pormal na pagdinig. Ayon sa kanya, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang pangalawang pangulo na idepensa ang sarili at maipakita ang kanyang pagiging inosente sa mga paratang.
Tinanggal din niya ang isyu ukol sa pagdududa sa hurisdiksyon ng 20th Congress sa kaso, at sinabi niyang mayroon nang sapat na hurisdiksyon ang Kongreso upang ituloy ang imbestigasyon.
Naghahanda na si Tulfo para sa inaasahang impeachment trial na posibleng magsimula sa Hulyo 29. Kasalukuyan siyang kumukonsulta sa kanyang mga legislative staff at mga abogado, kabilang ang mga dating justices ng Sandiganbayan at Korte Suprema, upang maging handa sa kanyang unang pag-upo bilang senador-hukom.
Binanggit ng senador na hindi niya nakikita ang anumang “delaying tactics,” bagkus ay mahalaga na maganap na ang impeachment trial.