Aasahan na magta-taas ang presyo ng mga produktong pang agrikultura kung ipatupad ang pagpataw ng 20% sa buwis ng U.S sa mga export products ng Pilipinas.
Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas Pilipinas, malaki ang magiging epekto sa ekonomiya kung ipapatupad ang 20% na buwis sa mga produktong agrukultura dahil import dependent at export oriented ang Pilipinas.
Nakakabahala din umano ito dahil malaki na ang trade deficit ng nasyon at mas lalo pa itong lolobo kung maimplenenta na ito.
Ang pagpapatupad ng mataas na buwis sa mga ini-export ayon sa kanya ay posibleng mag resulta ng mga malawakang tanggalan ng trabahador, at pagsasara ng mga negosyo.
Dagdag pa ni Estavillo na patuloy ag panawagan ng grupong Bantay Bigas na ibalik ang taripa sa ilalim ng World Trade Organization Agreement on Agriculture.
Sa kabilang banda, inamyendahan rin ng gobyerno ang rice tarrification law partikular na ang Rice competitive enhancement fund nito para sa taong 2025-2031 mula sa P10 bilyon pesos ay ginawang P30 bilyon pesos kung saan ang P15 bilyon ay para sa mga binhi, abuno, at iba pang ginagamit sa pagtatanim at ang kalahati ay discretion na umano ng pangulo kung saan gagamitin.