-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Malacañang na palaging bukas ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang makabuluhang suhestyon at rekomendasyon na makatutulong sa ikabubuti ng mga Pilipino, kabilang na mula sa Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa isang press briefing, welcome sa Palasyo ang mga mungkahi mula kay VP Sara Duterte, at hindi ito kailanman tinatanggihan ng Pangulo.

Ito’y kasunod ng pahayag ng OVP na tila hindi umano sinusuportahan ng pamahalaan ang pondo para sa mga proyekto at programa ng kanilang tanggapan.

Binanggit rin ni Castro na may pagkakataon noon na sinabi ni VP Duterte na alam niya ang paraan upang mapababa ang presyo ng bigas, ngunit tumanggi itong ibahagi dahil ayaw raw nitong tulungan ang administrasyon.

Dagdag pa ni Castro, malinaw na hindi ang pamahalaan, ni si Pangulong Marcos, ang humaharang sa mga inisyatiba ng OVP para sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --