Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista laban sa paggamit ng pekeng plaka, kasunod ng pinaigting na kampanya kontra sa mga gumagawa at nagbebenta nito.
Ayon sa LTO, wala nang dahilan para gumamit ng pekeng plaka dahil naresolba na ang 11-taong backlog sa paggawa ng mga ito. Inihayag ng ahensiya na milyon-milyong plaka na ang naipamahagi sa mga rehiyon at kasalukuyang iniikutan para maibigay agad sa mga may-ari ng sasakyan.
Ang operasyon ay bahagi ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sugpuin ang mga ilegal na aktibidad sa sektor ng transportasyon.
Katuwang ng LTO ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay sa mga nagbebenta ng pekeng plaka, lalo na sa social media.
Kamakailan, apat na indibidwal ang naaresto sa San Ildefonso, Bulacan dahil sa paggawa at pagbebenta ng pekeng plaka sa isinagawang operasyon ng LTO at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).