HEALTH News — Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga pandaigdigang lider na paigtingin ang HIV prevention at palakasin ang kolaborasyon upang tuldukan ang AIDS.
Sa International AIDS Society Conference sa Kigali, Rwanda, binigyang-diin ng WHO ang papel ng mga pamahalaan, eksperto, civil society, at mga komunidad sa pagpapatuloy ng tagumpay sa paggamot, pag-iwas, at pangangalaga laban sa HIV.
Ipinahayag ng WHO ang epekto ng biglaang pagbabawas ng pondo sa HIV programs, na nagdulot ng pagkaantala sa mga serbisyong pangkalusugan sa ilang bansa.
Ipinakilala rin ng WHO ang injectable lenacapavir (LEN) bilang bagong opsyon sa HIV prevention. Iniinom lamang ito dalawang beses kada taon at itinuturing na makabago at epektibo, lalo na para sa mga hirap sa araw-araw na gamutan.
Batay sa ulat ng WHO, tinatayang 1.3 milyong bagong kaso ng HIV ang naitala noong 2024, karamihan mula sa mga sektor na itinuturing na vulnerable. Sa kabuuan, 40.8 milyong tao ang nabubuhay na may HIV, kung saan 65% ay nasa African region.
Hinimok ng WHO ang mga bansa na tuparin ang kanilang mga pangako, suportahan ang pananaliksik, at gamitin ang agham bilang gabay sa paggawa ng mga patakarang pangkalusugan.