-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Unti-unting bumabangon ang daan-daang pamilya na binaha sa lalawigan ng Aklan dulot ng Habagat na pinalakas ng nagdaang Bagyong Crising na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Batay sa datos ng Aklan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sinabi Gary Vilmer Taytayon, chief operations ng ahensya na umabot sa 441 families ang naapektuhan mula sa bayan ng Ibajay at Madalag na nalubog sa baha.

Kaugnay nito, nasa apat na kabahayan ang totally damage habang 415 naman ang partially damagae.

Aniya, kahit hindi tinumbok ng Bagyong Crising ang Aklan, gayunpaman, nagdulot naman ng malakas na pag-ulan ang hinatak nitong Habagat na naging dahilan ng malakawang pagbaha sa dalawang bayan.

Maliban dito, dalawang araw din na sinuspinde ang klase sa parehong pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan dahil sa naging banta ng mga malalakas na ulan at baha.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay nasa P1.2 milyon pesos ang naitalang pinsala sa crops and livestock mula sa bayan ng Madalag.

Dagdag pa ni Taytayon na patuloy ang monitoring ng PDRRMO sa lagay ng panahon at gayundin ang pagbibigay abiso sa publiko para maiwasan na may magbuwis ng buhay sa gitna ng pananalasa ng kalamidad.